
Malayo pa, pero malayo na
Experiences
Published: 4/22/2026
Mga salitang masarap pakinggan ngunit tila ba malalim ang ipinahahayag.
Para sa mga pangarap na nais matupad, patuloy tayong tatahak sa mga daang gagabay upang makaimit ang mga ito.
Para ito sa mga nag pupursigi mabigyan ng magandang bukas ang kanilang sarili, o kaya naman para sa kanilang minamahal na Pamilya. Lilipas ang mga gabing walang tulog para makamit ang inaasahang tagumpay na magbibigay ngiti sa mga labi.
Ang pag sasakripisyo na ginagawa sa bawat araw ay magkakaron ng magandang bunga sa huli kaya huwag mawawalan ng pag-asa. Darating ang mga panahon na susubok at mag bibigay isip kung itutuloy pa ba ang mga ito o hindi na, mahalagang sundin ang sinasabi ng iyong sarili, at maniwala sa kakayahang meron ikaw at ang kadahilanan kung bakit ika’y nag simula.
Isang paalala rin na kahit malayo pa ang ating tatahakin, huwag kalimutang tumingin sa pinanggalingan at mapagtanto na kahit malayo pa, malayo na rin ang narating.
At higit sa lahat, huwag kalimutang mag pasalamat sa itaas sapagkat lahat ng grasyang ito ay mula sa Kanya.


